Mark nag-emote sa paghihiwalay nila ni Winwyn

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMakakatulong kaya sa paparating na dramang “Bihag” ang mga emote ni Mark Herras tungkol sa paghihiwalay ng de-kolor at puti nila ni Winwyn Marquez?

Hindi naman yata kasama si Marquez sa serye, bakit kasama pa siya sa mga interview equation? Bakit may hanash pa si Herras sa mga panayam na hindi na “healthy” ang kanilang hindi naman gaanong katagal na pagmamahalan.

Bilang gentleman, hindi ba dapat mas mainam kung naglambing na lang si Mark sa mga press na nagtatanong na huwag nang pag-usapan pa ang tungkol sa dati niyang kasintahan? Hindi rin naman nakatulong sa pelikula ni Marquez ang pag-amin tungkol sa kanilang paghihiwalay, hindi ba? Ang “Time & Again,” super under performer sa takilya dahil nga ang publisidad, sumentro sa hiwalayan nila ni Herras na wala namang kaugnayan at all sa Joey Reyes written and directed by movie.

May loyal ­following naman ang GMA ­Afternoon Prime shows kaya hindi dapat kabahan si Mark na luluha ito sa ratings game. ­Masuwerte siya.

Ang dapat niyang gawin ngayon, i-beef up ang kanyang panga­ngatawan, kahit parang katawang pangromansa state ni Jericho Rosales. Palakasin niya ang kanyang body of work. I-beef up niya rin ang kaalaman niya sa pagbibigay-buhay sa mga katauhan. Hindi na puwede ‘yung Mark ­Herras salubong ang kilay school of acting, noh. Paghusayan na niya at tama na muna ang girlfriend-girlfriend na iyan. Karera muna ang mahalin mo, ­Ginoong Herras.
***

Anak ni Pacquiao dyowa ni Heaven

Magkasintahan na pala sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao. Ay, the WHO times two sila para sa inyo? Ang savage niyo naman sa young coupling, huh! Hahahaha.
Star on the rise pa naman itong si Heaven at itong si Jimuel ang best looking Pambansang Kamao son tapos wa kayo pakels kung may young, sweet love ang dalawang millennial.
Oo nga naman, patuloy pa rin ang sagitsit ng tag-init at walang hatid na ginhawa sa ating lahat ang pagiging magsing-irog nila.
Pero, ang diva that you love, hindi pa rin maiiwasang magtaka, kung ano ang pakiramdam ni mommy ­dearest Jinkee ngayong may kasintahan na ang kanyang binata? Mapagbigay kaya siya kay Heaven? Makaka­asa ba tayo na may Birkin na bibitbitin si Peralejo one of these days care of Pacquiao matriarch? Abangan ang susunod na kabanata!