Mark walang pinagsisihan sa tikiman kay sikat na male celebrity

Mark walang pinagsisihan sa tikiman kay sikat na male celebrity

Pinasyalan namin si Mark Bautista sa kanyang tahanan for our exclusive interview para sa aming “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite.

Ito bale ang isa sa mga rare interviews na pinaunlakan ni Mark magmula nang pumutok ang malaking kontrobersiya sa kanya na may kinalaman sa controversial top-selling book na “Beyond That Mark”.

Inamin sa amin ni Mark na wala umano siyang inisip na magkakaroon ng repercussion sa kanyang career ang kanyang ginawang pag-amin sa kanyang libro, ang pagiging bisexual niya at ang pagkakaroon ng affair sa isang kilalang male celebrity. Wala rin umano siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa. Katunayan, para umano siyang nabunutan ng tinik sa kanyang pagiging bukas sa publiko sa tunay niyang pagkatao.

Hindi rin ikinakaila ni Mark na na-inspire umano siya ng CNN anchor-host na si Anderson Cooper na kanyang dinalaw at sandaling nakuwentuhan nang dalawin niya ito sa CNN Studio.

Ang kabuuan ng pagsisiwalat ni Mark ng kanyang tunay na saloobin ay inyong matutunghayan sa “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite simula bukas (Lunes), September 30, 12noon to 1 pm sa website, Facebook at YouTube Channel.

Gloria join sa Hollywood TV series

Hindi maitago ng kauna-unahang Filipina Miss Universe-turned actress na si Gloria Diaz ang kanyang excitement. Siya’y napili para mapasama sa isang Hollywood TV series on Netflix na pinamagatang “Insatiable”.

Pinagbibidahan ng dalawang Hollywood stars na sina Debby Ryan at Dallas Roberts. Ito’y mapapanood sa ikalawang season ngayong October 11, 2019.

Bukod sa excitement, kakaibang kaba umano ang naramdaman ni Gloria considering na isa na siyang beterana sa larangan ng pag-arte.

Isang malaking karangalan para sa 1969 Miss Universe ang siya’y mapabilang sa isang Hollywood project na pinapangarap lamang ng iba.

Boutique owner binalasubas ng talent manager

Naghihimutok sa amin ang isang boutique owner dahil kumuha umano ng maraming items ang kilalang personalidad.

Hindi pa umano nagbabayad hanggang ngayon.

Kasama na rito ang isang controversial talent manager na mahilig na magpaandar ng mga branded na gamit. Inutang pala niya ito sa isang boutique na paboritong puntahan ng kilalang celebrities.

“Nagpapasalamat naman ako sa mga regular kong customers na mahusay magbayad kahit hindi mo singilin,” pahayag ng boutique owner.

“Pero ‘yung iba, professional na talaga sa pagiging balasubas,” aniya.

May isa umanong talent manager ang kanyang idinemanda dahil matagal na umano ang utang nito na nagkakahalaga ng mahigit P300,000 para lamang sa mga items na kinuha niya. May warrant of arrest na rin umano ito pero wala na ito sa dati niyang tirahan kaya hindi mahuli-huli.

“Pero hindi niya puwedeng pagtaguan ang batas sa lahat ng oras,” paniniguro ng boutique owner na may kamag-anak na isang huwes.

***

Hindi na talaga matatawaran ang pagiging successful entrepreneur ni Rhea Anicoche-Tan, ang lady boss behind the success ng Beautederm. Marami na siyang branches hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Napakarami na ring brand ambassadors at isa na rito ang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

Kamakailan, dinagsa ng mga tao ang pagbubukas ng flagship store ng Beautederm sa Marquee Mall ng Angeles City. Personal na dinaluhan mismo ni Marian. Ito bale ang pang-88 store ng Beautederm ni Rhea na inaasahang aabot ng 100 in the next couple of years.

Bukod kay Marian, ang iba pang brand ambassadors ng Beautederm ay kinabibilangan nina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Glydel Mercado, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Matt Evans, Jane Oineza, Ria Atayde, Ryle Santiago, Tonton Gutierrez, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon at iba pa.