Market official pinatay sa maraming tao

Hindi naging ­hadlang ang maraming tao para patayin ang isang ­market administrator na nag­pa­pautang din ­umano pera. Matapos itong pagbabarilin ng isa sa mga armadong riding crimi­nals sa loob mismo ng pinangangasiwaan ­nitong Commonwealth Market sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Sa report kay Supt. Lito Patay, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6 ni Chief/Insp. Nilo Padulaga, chief investigator, nakilala ang biktima na nasawi noon din sa lugar ng krimen na si Richard Ramos y San Felipe, 45, kasal, negosyante, tubong Bulacan at nakatira sa 18 Almasiga Filinvest II, Brgy. Batasan Hills, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Patay nangyari ang krimen dakong alas-12:16 ng tanghali sa tapat ng mataong Ukay-Ukay Store sa loob ng Commonwealth Market sa Quezon City.

Lumilitaw na kagagaling lang umano ng biktima sa opisina nito sa 2nd floor at habang nasa tapat ng Ukay-Ukay ay nilapitan ito ng isa sa mga suspek na naka-helmet at armado ng kalibre .45 na baril at malapitang binaril sa ulo at mukha na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon

Ayon kay Chief/Insp. Padulaga, base sa nakalap na impormasyon sa crime scene bago ang krimen ay nakita umano ang biktima na may dalawang kausap na babae at narinig na ang pinag-uusapan ay tungkol sa utang.

Napag-alaman na ang biktima bukod sa pagiging market administrator ay nagpapautang din umano ng pera.