MATUWA kaya si Da­niel Padilla kapag nalaman niyang nali-link na sa lalaki ang 16-year-old sister niya?

Balita kasing nililigawan ng 18-anyos na Fil-Brit na si Markus Paterson ang half-sister ni Daniel na si Magui (Margaret Ford Planas).

Ang tsika ay madalas si Markus sa bahay nina DJ para umakyat ng ligaw kay Magui.

Paliwanag ng guwaping na binata na sumali sa Pinoy Boyband Superstar, nagpupunta lang siya sa house nina Magui dahil kaibigan niya si Daniel.

At saka nu’ng minsan ay inimbita siya mismo ng madir ni DJ na si Karla Estrada kaya pumunta siya.

At ‘pag nandu’n si Markus ay mukhang guwardiyado rin ni DJ ang nakababatang ka­patid nito.
Baka bet siya ni Magui?

“I don’t think she has a crush on me. Parang friendly-friendly lang,” nakangiting sey ng bagong brand ambassador ng BNY apparel.

Ayon kay Markus, maganda at mabait si Magui. Pero friends lang sila nito dahil they have something in common.

Pareho silang nag­lalaro ng football.
Wala pang chance na mag-football sila together.

Sa UK pinanganak si Markus at doon siya nahilig sa football.
Kahit half-British ay mas conservative ang binata kesa libe­rated.

Gusto niya ay mga babaeng conservative at turnoff siya sa wild girls.

Inamin sa amin ni Markus na hindi na siya virgin. 16 siya nang ‘makatikim’ sa UK. Girlfriend niya ang first experience niya.

Natawa ang ­bagets sa tanong kung may nanligaw na sa kanyang bading. Wala raw.

Magiging friendly pa rin siya if ever, pero sasabihin niyang hindi siya papatol sa gano’n.