Markus nagselos kay Joshua

Hanggang ngayon ay tahimik lamang ang 21-year-old Filipino Filipino-British singer na si Markus Paterson sa pagli-link sa kanyang rumored girlfriend na si Janella Salvador sa naging leading man nito sa “The Killer Bride” na si Joshua Garcia.

Sa cast and staff party ng “The Killer Bride” katakut-takot na kantiyaw ang inabot nina Joshua at Janella mula kay Maja Salvador at sa ibang members ng cast laluna nang lumabas ang kissing scene nina Janella at Janella na first screen kiss ng young star. Sweet rin ang dalawa.

Ang mga photo at video na kuha kina Janella at Joshua ay in-upload mismo ni Joshua sa kanyang Instagram account kaya tiyak na ito’y nakita at napanood ni Markus.

Sa isang interview ni Boy Abunda sa kanyang “Tonight with Boy Abunda” kay Markus ay inamin nito na minsan umano ay nakaramdam siya ng selos kay Joshua pero naiintindihan niya na ito’y bahagi ng kanilang trabaho bilang actor kaya nawala na umano ang kanyang selos. Pero paano kapag napanood niya ang mga ‘sweet moments’ nina Joshua at Janella sa cast party ng “The Killer Bride”? Hindi kaya siya muling makaramdam ng selos kay Joshua na totoo namang napaka-sweet kay Janella?

JaDine toxic na ang relasyon

Hindi naman pala fake news after all ang napabalitang hiwalayan sa pagitan ng mag-live-in partner na sina James Reid at Nadine Lustre.

Dapat sana’y magsi-celebrate na ang dating magkasintahan ng kanilang ika-apat na taon on February 11 pero hindi na ito umabot doon.

Ang obserbasyon ng marami ay hindi na umano healthy ang relasyon ng dalawa dahil pati respective career nila ay apektado na. Dahil dito, nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay na.

Regardless kung anuman ang dahilan sa kanilang paghihiwalay, iisa ang pinupunto rito, na totoong hiwalay na sila at hindi ito fake news.

‘Yun na!