Markus nagselos kina Joshua-Janella

Hindi direktang inamin ng aktor na si Markus Patterson na may relasyon sila ng “The Killer Bride” star na si Janella Salvador. Nakapanayam si Markus sa “Tonight With Boy Abunda” at dito niya ikinuwento kung ano ang estado nila ng aktres.

Nais niya na manatili na lamang sa kanila ni Janella ang kung ano man ang mayroon sa kanila.

Aniya, “Obviously because she said she didn’t want to have a relationship with the world, she’s experienced that and I want to respect her so I’m not going to say anything, to confirm or deny it.”

Nilinaw ng aktor na hindi nila nililihim ang relasyon sa kahit na sino. Naniniwala siya na may tamang panahon para sa lahat. Sa ngayon kasi ay tagumpay ang teleserye ni Janella.

Nag-click pa sa masa ang tambalan nila dito ni Joshua Garcia. Umamin pa nga si Markus na nakakaramdam din siya ng selos kay Joshua.

Aniya, “Noong una, yes, of course that’s a natural thing but you’ve got to think about it, it’s work. Silang dalawa ay sobrang husay na artista the chemistry’s great.”

Sey pa niya, “Alam mo ‘yung unang feeling na konting selos na butterflies but when I thought about it well it’s work and they’re both good about what they do and they can create chemistry just like that because they’re friends already. Nawala naman lahat and Josh is a great guy.” (Ronaline Avecilla)