MIAMI (AP)-— Namatay sa isang boating accident noong Linggo ng umaga si Jose Fernandez, ang ace right-hander ng Miami Marlins na tumakas ng Cuba para ma­ging isa sa pinakamatitinding players ng baseball sa kasalukuyan.

Kasama ni Fernandez, 24, ang dalawa pa nang sumadsad at bumaliktad ang kanilang 32-foot vessel sa isang batuhan sa Miami Beach.

“Sadly, the brightest lights are often the ones that extinguish the fastest,” ani Marlins owner Jeffrey Loria.

Agad bumuhos ang reaksiyon at pakikiramay sa mundo ng baseball. Nag-release ng statement ang Major League Baseball, sinabing “stunned and devastated” sila sa insidente.

Kanselado na ang home game ng Marlins laban sa dayong Atlanta Braves nitong Linggo.

“Hands down one of my favorite guys to watch pitch!” ani Boston Red Sox pitcher David Price sa Twitter.

Sakay si Fernandez ng vessel na sumalpok sa batuhan, ayon sa mga awtoridad. Tumaob ang vessel, nakaturo ang nguso sa itaas.

Dalawang bangkay ang natagpuan sa ilalim ng vessel, ang ikatlo ay sa batuhan.

“It does appear that speed was involved due to the impact and the severity of it,” ani Lorenzo Veloz, spokesman ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission (FWC).

Si Fernandez ay two-time All-Star na 38-17 sa first four seasons niya sa Marlins, tinanghal na National League Rookie of the Year noong 2013. Naging US citizen noong isang taon ang tubong Santa Clara, Cuba na si Fernandez.

Tatlong beses tumakas mula Cuba si Fernandez, sa mga unang pagka­bigo ay nakulong bago tagumpay na nakarating sa US, nag-aral at na­ging star baseball player sa high school sa Tampa, Florida. Hinugot siya ng Marlins sa draft noong 2011, makalipas ang dalawang taon ay nasa majors na si Fernandez.

Sa Instagram noong nakaraang linggo, nag-post si Fernandez ng picture ng kanyang girlfriend na buntis na sa kanilang unang anak.