KUNG pinag-usapan ang mga naging kaganapan sa Star Magic Ball 2017 last Saturday night, last Sunday night naman ay naging trending topic talaga sa social media ang pagbabago ng anyo ni Marlou Arizala, na si Xander Ford na ngayon.

Mas lamang pa nga si Xander dahil bukod sa nahakot na nito ang social media, kuha pa rin nito ang iba’t ibang gay websites.

Well, tumiba nang husto ang show ni Korina Sanchez sa Kapamilya Network na Rated K dahil sa lakas ng impact nito sa netizens. Sa Facebook pa lang, naging sentro ng discussion ang bagong mukha ni Marlou at pinagtatalunan ng mga bading kung papatulan ba nila si Xander ngayon.

Ang iba ay hindi mapigilan ang humanga at kiligin sa kaguwapuhan nito. Ang ilan naman ay hindi pa rin kumbinsido sa simpleng intensyon ng dancer na gusto niyang gumandang lalake.

To date, may mga fans na si Marlou/Xander at balita namin may mga imbitasyon na itong mag-personal appearance sa mga parties at out of town shows.

Anyways, kakabit ng kasikatan ngayon ni Xander ay ang walang kamatayang paglalabas pa rin ng dati nyang itsura na hanggang sa pagtanda niya ay kakambal na niya.

At least, nagkaroon ng katuparan ang matagal na nitong dream ang magmukhang artista.