Alam ba ninyong may sariling ­martial arts tayong mga Pilipino? Sa panahon ngayon kung kailan nagkalat na ang mga loko-loko at kriminal, ­hindi puwedeng wala kang ­kaalaman sa pagtatanggol ng sarili at mga minamahal mo.

Isipin mo nalang, paano kung biglang may magbanta o manakit sa’yo o sa mga ­kasama mo habang kayo ay nasa labas? Ano ang gagawin mo? Kailangan marunong kang lumaban. Ika nga ng karamihan, “martial arts and ­self-defense”. At kung pakikipaglaban lang naman ang usapan, hindi magpapahuli ang mga ­Pinoy diyan!

Maraming martial arts na nagkalat sa ­mundo. Ang ilan sa mga ito ay, malamang, narinig niyo na tulad ng Kung-fu na galing sa mga Intsik, ­Karate na galing sa mga Hapon, Boksing na nanggaling sa kanlurang bahagi ng mundo at marami pang iba. Karamihan sa kanila, hindi masyadong nagsasanay ng sandata pero tayong mga Pilipino, aba, iba tayo!

Sanay tayo sa laban, may sandata man o wala. Iba-iba ang tawag sa ating martial arts.

Minsan Arnis, minsan Eskrima, minsan naman ay Kali. Pero ang lahat ng ‘yan ay kilala sa mundo bilang FMA o Filipino Martial Arts.

Noong unang panahon, noong sinakop tayo ng mga Espanyol, sina Lapu-Lapu ang ilan sa mga taong nagpasa ng kaalaman natin sa pakikipaglaban. Lumaon ang mga taon, nahaluan ito ng martial arts ng mga Espanyol na tinatawag nilang Esgrima o sining ng pakikipag-espada.

Dumating ang panahon kung saan ipinagbawal na ng mga Espanyol na magsanay ang mga Pilipino ng FMA dahil naisip nila na baka gamitin ito ng mga Pilipino laban sa kanila. Dahil dito, nagtago ang mga guro ng FMA pero hindi nila hinayaang mawala ang martial arts natin.

martial-arts1Lumipas pa ang ma­ra­ming taon at naituro na ito sa iba’t ibang mga tao, hanggang sa dumami na ang may alam.

Sa FMA, ­itinuturo ang pakikipaglaban ga­mit ang iba’t ibang sandata at kung wala ka namang sandata, itinuturo rin ang paggamit ng katawan. Ilan sa mga sandata na ito ay ang arnis o yantok, kutsilyo, espada, pana, sibat, sarili mong kamay, siko, paa, ­binti, tuhod, ulo at marami pang iba.

Pero sa panahon ngayon, bawal na ang magdala ng karamihan sa mga sandatang ‘yan. Kaya ano pa ang itinuturo sa FMA? Na ang lahat ng bagay sa pali­gid mo ay puwedeng ma­ging sandata. Ilan sa mga bagay na ito ay ang ballpen, cellphone, sing­sing at kung anu-ano pang ­bagay na ginagamit natin sa araw-araw.

martial-arts2Maraming sanga ang Filipino Martial Arts. Ilan dito ay ang Kombatan Arnis na pinasimulan ni Grand Master ­Ernesto Presas, Sr. sa Hinigaran, Negros Occidental; Balintawak Arnis na pinasimulan ni Anciong Bacon sa Balin­tawak St. sa Cebu; Doce Pares na pinasimulan ni Eulogio Canete sa Cebu; Kalis Ilustrisimo na pinasimulan ni Pablo Ilustrisimo sa Cebu; Pekiti ­Tirsia Kali na pinasimulan ng Tortal Family na sabi ng marami, sa ­Kalibo, Aklan daw nagmula at marami pang iba’t ibang sanga na pinangalanan ng iba’t ibang pamilya.

Ngunit nagkaroon man ng maraming pa­ngalan, halos pareho naman lahat ang galawan nila. Lahat, magagaling talaga!

martial-arts3Dahil sa galing natin sa martial arts at dahil nakita ng marami sa mundo na ang FMA ay isa sa may mga pinaka-epektibong ­paraan ng pakiki­paglaban pagda­ting sa totoong digmaan, kinuha ang martial arts natin bilang isa sa mga itinuturo sa mara­ming grupo ng sundalo at kapulisan sa mundo. Ilan na rito ang Philippine Scout Rangers, PNP o ­Philippine National Police, ­Indian Special Forces, Indian Natio­nal ­Security Guard, Marine Commando Force of ­India, U.S. Army’s Mo­dern Combat ­Combatives at Russian Spetsnaz. Ginamit na rin sa mara­ming pelikula ang FMA tulad ng Ta­ken Movie ­Series, Bourne Movie Series, Mission Impossible Mo­vie Series, The ­Equalizer, Book of Eli, I, Frankenstein at marami pang iba.

O, bilib na ba kayo sa sariling atin? Kung oo at gusto ninyong matuto ng Filipino Martial Arts, huwag kayong mahiyang sendan ako ng e-mail sa broovybry@gmail.com. Limang taon na akong nag-aaral ng iba’t ibang martial arts at isa rito ang FMA, pero hindi ako licensed ­teacher kaya ituturo ko nalang kayo sa ilan sa mga pinakamagagaling nating guro.

Naaalala niyo ba ‘yung isa sa mga ­binanggit ko kaninang sanga ng FMA na Kombatan ­Arnis? ‘Yung anak ni late Grand Master ­Ernesto ­Presas, Sr. na si Grand Master ­Ernesto Presas, Jr. ay puwede niyo ring kontakin sa 09154209308. Maraming salamat sa pagbabasa, at tulad ng la­ging sinasabi sa Filipino Martial Arts, PUGAY MGA KAPATID!