Martial Law ipinagtanggol ng AFP sa mga estudyante

Nagpaliwanag sa publiko ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa patuloy na pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao.

Inihayag ni Col. Jo Ar Herrera, head ng Civil Military Operations ng 1st Division ng Philippine Army, sa isang pulong sa Mindanao State University, nanindigan ito na kailangan ang pagpapairal ng Batas Militar sa panahong ito para sa seguridad gayundin para hindi na lumala pa ang krisis sa Marawi City.

Gayunman, tiniyak ni Herrera sa mga lumahok na mag aaral, guro at kinatawan ng iba pang sektor sa forum na bukas ang AFP sa mga impormasyon kaugnay sa mga paglabag ng militar sa pagpapatupad ng Martial Law.

Kabilang sa mga reklamong natanggap ng militar kaugnay sa martial law ay ang mahigpit na seguridad sa mga checkpoints at ang hindi makataong pagtrato umano ng mga sundalo sa mga sibilyan.

Paliwanag ni Herrera rito na hindi perpektong orgamisasyon ang AFP pero handa naman nilang itama at ituwid ang anumang pagkakamali o problema sa kanilang organisasyon.