Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Martial law sa buong bansa.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng Martial Law extension sa Mindanao Region ngayong Disyembre 31, 2018.

Sa kanyang talum­pati sa ika-35th foun­ding anniversary ng Philippine Army Reserve Command sa Camp General Mariano Riego de Dios sa Tanza, Cavite, sinabi ng Pa­ngulo na hindi na kailangan ang Martial law kung puwede namang hulihin ang hindi sumusunod sa batas.

“Iyang Martial Law Martial Law. Hindi ako mag-declare ng Martial Law. Bakit ako mag-declare ng Martial Law. Pwede man kitang hulihin. Pwede nga kitang patayin eh. Kung ayaw mo talagang maghinto, eh ‘di… Ayaw mo? O sige. Ganun lang man ‘yan. Eh Martial Law-Martial Law, “Duterte maging diktador,” anang Pangulo.

Wala rin aniya siyang intensiyong manatili sa kapangya­rihan at binilinan pa ang mga sundalo na hulihin siya at i-fi­ring squad kapag sumob­ra ito ng isang oras sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino.