Magkakasamang nanawagan kahapon ang ilang militanteng kongresista at iba’t ibang grupo para itigil na ang ipinatutupad na Martial Law sa buong Mindanao.
Nanguna sa kilos-protesta na isinagawa sa Butuan si ACT Teachers Rep. France Castro habang lumahok naman si Kabataan Rep. Sarah Elago sa Northern Mindanao contingent kaugnay ng inilargang National Day of Action laban sa pagpapatupad ng Batas Militar sa Mindanao.
Tinatayang 5,000 magsasaka, mga lumad, church worker, kabataan at iba’t ibang sektor mula sa Western at Northern Mindanao ang nagmartsa sa Cagayan de Oro City.
Kaugnay nito, tinuligsa naman ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na walang pagsikil sa kalayaan sa gitna ng pagpapairal ng Mindanao-wide Martial Law.
“There is a conscious effort from state propagandists to twist Moro and Mindanaon’s plight under Duterte’s Martial Law. Massive demonstrations and appeal from the Moro and IP (indigeneous people) communities have been launched but state still claims that Mindanaon’s prefer martial rule,” pahayag ni Brosas.