Matapos ang ilang buwang pananahimik ng sektor ng ating mga kapatid na Muslim tungkol sa giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rody Duterte, nakarinig din tayo ng reaksyon mula sa isang lider muslim.
Nagpahayag ng buong suporta sa kampanya kontra-droga ni Digong ang grupo na kinabibilangan ng Convenor ng Muslim Affairs Council of the Philippines na si Yusoph Mando. Siya rin ang national chairman ng Kapatirang Kristiyano at Muslim sa Pilipinas na Nagkakaisa para kay Duterte (KAKAMPI ni DUTERTE).
Sinabi ni Mando na panahon na para mabago ang pagtingin ng mga tao sa kanila bilang mga muslim sa pamamamagitan ng pagpapasuko sa sinumang nakikipagtransaksyon sa bawal na gamot, kasabay ng paghikayat sa kanila na talikuran na ang masamang gawain.
Pabor din ang grupo ni Mando na magdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte kung ito ang magiging mabilis na solusyon para wakasan ang napakalaking problema ng droga sa bansa.
Malaki aniya ang kanilang tiwala na ang Martial Law na binabanggit ng Pangulong Digong ay hindi kagaya ng Batas Militar na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na para usigin at ipakulong lamang ang kanyang political opponents kundi ito ay paggamit ng kamay na bakal laban sa big time drug lords at maipluwensyang protektor ng illegal drugs.
Sa kanilang paniniwala, ito ay bahagi ng revolutionary form of government na dati nang binabanggit ni Digong kahit noong nangangampanya pa lamang ito. Sinasang-ayunan ni Mando na kailangan ipatupad ang batas ayon sa pangangailangan ng ating bansa.
Sa kanyang paliwanag, ang talamak na kurapsyon, kriminalidad at pag-abuso sa droga ay hindi na kaya ng ordinayong solusyon. Kailangan talaga ng radical change o kamay na bakal para ito ay masugpo. Ang Martial Law aniya ang isa sa pangunahing solusyon dito.
Kinakatawan ni Mando ang sektor ng Muslim sa buong Pilipinas maliban sa mga rebeldeng muslim na may idelohiyang radikal.
Kasabay nito, nag-aapela rin si Mando sa administrasyong Duterte na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para mapanagot ang sindikatong nambiktima sa mga inarestong Muslim sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.
Mariin umano nilang kinokondena pangyayari na maaring dahil sa gawain ng ilang tiwali at mapagsamantalang Hajj official ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na nagresulta ng pagkakaaresto ng ilang Muslim pilgrims.
Halata aniyang may nangyaring sabwatan sa mga nakapuwestong opisyal na maaring dahil sa malaking halaga ay naisyuhan ng Philippine passport ang ilang Malaysian at Indonesian national para makabiyahe sa Meccah, Saudi Arabia para sa isang Islamic pilgrimage.
ayusin nyo muna ang mga kasamahan nyong drug lords at mga drug pusher. alam ko isa ang drugs sa negosyo ng mga muslim
Kaya nga aprobado nila kung mag di declare ng martial law si Presidente dahil batas militar lang ang puwedeng makakasolusyon sa problema ng droga sa Mindanao, hindi sila mismo. Komunista ka ba tsong?