Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang claims para sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ng rehimeng Marcos.

Inaprubahan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang isang joint resolution na nagpapalawig ng hanggang Dis­yembre 31, 2019 ang pamamahagi ng claims sa mga biktima ng pag­labag sa karapatang pantao.

Natapos noong Mayo 2018 ang pagproseso at pag-claim sa ayuda na hinawakan ng Human Rights Claims Board at mayroong mahi­git 75,000 mga aplikante ang hindi nakapagpro­seso dahil ang iba sa mga ito ay namatay na o kaya ay hindi na ma-contact.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na sa ilalim ng joint resolution no. 04, binibigyan ng awtoridad ang Bureau of Treasury at Landbank na magpa­labas ng pondo habang ang Commission on Human Rights ang mangangasiwa sa pamamahagi nito.