Martin bad trip sa pananapaw ni Lani sa concert

tonite-imo-vinia-vivar
Hindi makalimutan ni Concert King Martin Nievera ang insidenteng nag-guest sa kanyang concert sa New Jersey ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na ang ending ay hindi raw siya nakakanta sa sariling show mismo.

 

“Guest ko siya (Lani), nag-standing ovation. They closed the curtain, they thought the show was over,” kuwento ni Martin sa presscon nila ni Lani ng Valentine concert nilang “Timeless Classics.”

 

“Guest ko siya! Concert ko! Standing ovation. Don’t deny it,” sabi pa ni Martin kay Lani.

 

“Nag-close ang curtain. Ano’ng ginawa ko sa likod ng curtain? ‘Sorry, guys, I’d see you at the meet-and-greet.’ Standing ovation, akala ng guy sa likod, ­tapos na ‘yung show. Ang galing talaga nito!” sabi pa ni Martin.

 

Kaya raw ayaw na niyang sumunod after Lani. Dapat daw ay back-to-back o ‘di kaya naman ay siya ang mauuna.
“She is very hard to ­follow,” sambit pa niya.
Ano ang na-feel niya that time?

 

“Resentment. I couldn’t stand her. No, joke,” sey niya kaya nagtawanan ang entertainment press.

 

“What did I feel? I felt bad for the audience because can you imagine? You know what was missing in my line-up?

 

Martin Nievera hits, and Broadway, which was my big ending before. Wala sa show dahil dito (sabay-turo kay Lani). She closed the show! That should be the ending nga! Martin Nievera hits sa Martin Nievera show! Ay naku,” sabi pa ng Concert King na obvious na hindi maka-move on talaga habang panay naman ang protesta’t tawa ni Lani.

 

Hindi raw alam ni Lani that time na ganu’n ang nangyari dahil hindi pa raw sila close noon.

 

Pero sa “Timeless Classics” Valentine show nila on Feb. 14 at the PICC Plenary Hall, sigurado namang hindi na mangyayari na hindi na makapag-perform si Martin.

 

Of course, sisigarudihin ng producer na si Anna Puno na pareho silang makakapag-perform.

 

Dahil nga “Timeless Classics” ang title ng show, mga timeless classics ang kanilang aawitin from way back para ma-feel good naman daw ang mga couples celebrating V-Day.

 

Under the musical direction of Louie Ocampo, “Timeless Classics” is a production of Starmedia Entertainment and in association with Global Police Community Relations. The show is for the benefit of the projects of Rotary Club of Makati East, Rotary Club of Cubao Central and Rotary Club of Parañaque East.

 

Nora sinukuan ng direktor

 

Inamin ng direktor ng pelikulang “Jesusa” na si Ronald Carballo na si Nora Aunor talaga ang first choice nila para sa pelikula at hindi si Sylvia Sanchez.

 

Sa presscon ng naturang indie film, ikinuwento ng direktor na nag-usap sila nang maayos ni Ate Guy tungkol dito. Nagsara na sila ng deal at pumayag siya sa maraming kondisyon ng Superstar kung saan ay masasakripisyo raw ang maraming element ng pelikula especially ang budget.

 

“Pero pumayag pa rin ako dahil nga sa pangarap ko at kagustuhan kong maidirek ang nag-iisang Superstar,” he said.

 

Unang-una, iba na raw pala ang working style ni Ate Guy na magkaiba ang day effect at night effect sa shooting.
“So, ‘yung 1 day (shooting), definitely, magiging 2 days. Kasi, ‘pag day effect lang daw siya, 8am to 5pm lang siya. ‘Pag night effect siya, 4pm lang siya to 9pm. So, mahahati into two days talaga ‘yung isang araw,” kuwento ni direk Ronald.

 

Pero pumayag din daw siya sa kondisyong iyon, pati na sa hininging talent fee nito.

 

Pero nang magpipirmahan na raw ng kontrata, nagbago na raw ang isip ni Ate Guy.

 

“Nagbago na ‘yung isip niya, marami na siyang tinatanong, nakakagulat na tanong, hanggang kausap ko siya sa phone, naiyak talaga ako sa phone, kasi hindi ko akalain na maiiba ‘yung pinag-usapan sa napag-usapan na,” he said.

 

Sinabi raw niya sa handler na pag-uusapan muna nila ang mga bagong napag-usapan hanggang sa kinagabihan ay nagdesisyon na raw ang management at production team na papalitan na lang daw ang Superstar.

 

“Gabi ko tinawag sa handler na papalitan na siya, the following day, as early as 8 a.m., tumatawag ‘yung handler at sinabing pumapayag na raw si Ate Guy sa kung anumang lahat ng nakalagay sa contract.
“So, hindi na ako talaga pumayag kasi unang-una, sabi ko, imi-meet ko na ‘yung ipapalit namin sa kanya.

 

“So, with that, napakalaking blessing na siyempre, si Lord naman talaga ang nag-aayos ng lahat ng ito. Maaaring hindi natuloy si Ate Guy, hindi talaga meant for her ‘yung material, napunta kay Sylvia Sanchez.

 

“Nu’ng napunta kay Sylvia, talagang nabura lahat ‘yung sinabi kong hindi ko gagawin ang pelikula kung hindi si Nora Aunor kasi nakita ko kung gaano ka-professional si Miss Sylvia Sanchez, kung paano niya tinackle ‘yung role, na eventually, naisip ko talaga na siya talaga ‘yung ibinigay para mas lalong mapaganda ‘yung pelikula at maisabuhay ‘yung isang materyal na pangarap ko talagang gawin na matagal kong itinago,” pahayag pa ng direktor.

 

Ang “Jesusa” ay mula sa OEPM Productions at kasama rin sa cast sina Ynez Vene­racion, Allen Dizon, Malu Barry, Uno Santiago, Beverly Salviejo at marami pang iba. Ipalalabas ito ngayong summer.