Martin, ginamit lang daw sa BATIBOT

Martin Escudero

BUONG ningning na itinanggi ni Martin Escudero na siya ‘yung nasa kumalat na Bati­bot Bidyo.

Ang sabi ni Martin, narinig na niya ang tungkol sa video scandal at pinaimbestigahan na niya ito.

Feeling niya ay ginagamit lang siya sa nasabing isyu at gusto siyang sirain.

Kaya ang sabi niya ay huwag na lang pansinin ito dahil hindi raw siya ang nasa kumalat na video at ginagamit lang siya.

Pinasuri na rin daw niya ito sa cybercrime division ng NBI at kapag ginamit ulit siya sa ganu’ng bagay ay nakahandang gumalaw ang kinauukulan.

As in diretsong sinabi ni Martin na hindi siya ang nasa scandal vi­deo na ‘yon.

Napanood namin ang naturang Batibot Bidyo at parang si Martin talaga ang nakita namin sa video.

Pati ‘yung pilat niya sa may bandang tiyan (dahil naoperahan yata siya sa appendix) ay makikita sa video, so ang daming nag-conclude na si Martin ‘yon.

In all fairness ay Martin na Martin ‘yung napanood namin, pero kung ‘yun ang sinabi ng TV5 actor ay karapatan niyang mag-deny.

Ka-join si Martin sa cast ng bagong Regal comedy na That Thing Called Tanga Na kasama sina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano at Angeline Quinto.

Isa si Martin sa mga baklitang bida sa movie.

Ang galing magbading-badingan ng tisoy na binata at ang ganda niyang beki. Ang cute niya noon sa Zomba­dings pero mas mujer siya rito.