WE’RE back! Bago kami umalis ng Los Angeles, California ay sobra kaming na-proud for Martin Nievera and Lani Misalucha dahil may billboard ang Masquerade concert nila sa Pechanga Resort & Casino sa Mayo 13 sa may 710 Freeway, ‘noh?!
Actually, sa Pechanga Resort & Casino nag-start ang Masquerade concert at noong una, one night concert lang ‘yon, pero dahil sold-out agad ang tickets, biglang nagkaroon ng second night, huh!
Dahil doon, “isinilang” ang Valentine concert nina Martin at Lani sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong Pebrero 14 at 15 na nagkaroon pa ng repeat noong Marso 11.
Eh, sobrang bilib ang mga taga-Pechanga Resort & Casino sa lakas nina Martin at Lani, kaya nilagyan pa sila ng billboard sa 710 Freeway.
Sayang lang at ang bilis ng sinasakyan namin, kaya hindi namin nakunan ‘yon ng picture, pero ibinalita naman namin ‘yon kina Martin at Lani.
Next week na ang alis ng grupo pa-L.A. at hanggang sa Hunyo na roon si Martin. Ang last Masquerade concert nila ay sa Hunyo 4 pa sa New York.
Bale anim na shows ang gagawin nila sa iba’t ibang lugar sa Amerika, pero dahil mabili ang Masquerade nina Martin at Lani, hindi kami magtataka kung madagdagan bigla ‘yon, huh!
Anyway, ‘yung pagkakaroon ng billboard sa Amerika ay hindi na bago kina Martin at Lani at ilang beses nang nangyari ‘yon sa kanila sa iba’t ibang lugar doon.
***
Dream come true pala para sa Starmedia Entertainment producer na si Anna Puno ‘yung Kings and Queens of OPM concert nina Rico J. Puno, Marco Sison, Hajji Alejandro, Claire dela Fuente, Eva Eugenio at Imelda Papin noong Sabado sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Isa ‘yun sa bucket list niya, na mapagsama ang anim na singers.
Successful ang concert na ‘yon, kaya very thankful si Anna.
***
Kahit busy sa pagiging representative ng 5th District ng Quezon City at paminsan-minsang pag-aartista (kasama siya sa Encantadia at may indie movie siya), basta may pagkakataon ay lumalabas si Alfred Vargas at ang kanyang pamilya.
Ginagawan ng actor/politician ng paraan para mapaglaanan ng oras ang misis niyang si Yasmine, pati ang dalawa nilang mga anak na sina Alexandra at Aryana Cassandra.
Sabi ni Alfred, habang maliliit pa ang mga anak niya, ine-enjoy na nilang mag-asawa ang mga ito.
Kahit may misis at dalawang anak na si Alfred at medyo nadagdagan ang kanyang timbang, yummylicious pa rin ang dating ng actor/politician.