Tinanghal na Outstanding Male Performer of the Year sa katatapos na Laguna Excellence Awards ang balladeer na si Nick Vera Perez. Tuwang-tuwa ang singer dahil magandang regalo ito sa pagbabalik niyang muli sa ‘Pinas.

“Happy. Glad and contented. Salamat at napansin ako ng award-giving body. I’m very thankful and grateful sa award na binigay sa akin,” simula niya.

Dahil sa pagkakapanalo niya, lalong naging agresibo si Nick sa kanyang singing career.
“Magiging busy ako, promoting the I Am Ready Album before its grand concert for 5/2020. Visiting more malls and schools,” sey niya.

Tulad ng ibang singers, pangarap din ni Nick na makasama sa kanyang concert ang mga magagaling na singer tulad ni Martin Nievera.

“Martin Nievera has always been a big influence sa akin. I just like the way he sings.
From breathing, resonance, diction, mix of chest and head registers are classic to me. Sana makasama ko siya at maka-duet sa concert,” bulalas niya.
Huli mang pumasok sa recording scene ay positibo naman siya sa kanyang pinasok at gagawin para sa passion niya.
Naniniwala siya na wala sa edad kung mayroon kang pangarap na gustong abutin.
“Music and arts do not really have age limits and boundaries. I don’t conform to any rules. I do my own thing and stand by them,” sabi pa niya.
Naniniwala rin siya na hindi namamatay ang music industry sa bansa.
“I don’t believe in that. The economy may die and people, but music lives on,” pagtatapos ni Nick. (Rodel Fernando)