Martin nagmintis sa ‘ASAP’

Usap-usapan ngayon ang pagmimintis ng Concert King na si Martin Nievera kahapon nang kumanta ito sa ASAP.

Sing to high heavens ang drama niya habang inaawit niya ang All I Ask of You mula sa pamosong Broadway musical na Phantom of the Opera.

Kasama niya sa nasabing production number ng nasabing Sunday noontime show sina Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Eric Santos at Ogie Alcasid.

Hindi man nasintunado, halatang hirap na maitawid ni Martin ang kanyang production number.

Sey tuloy ng netizens, nabawasan na ang brilyo ng veteran singer.

Hirit naman ng iba, iba pa rin daw ang disiplina ng musical theater artists pagda-ting sa pag-awit ng Broadway. (Archie Liao)