35 YEARS nang Concert King si Martin Nievera pero tila wala pang puwedeng humalili sa puwesto niya.

Ayon kay Martin, may ibang singers na mas kilala at mas maga­ling sa kanya, kaya lang ay hindi na uso ang title-title ngayon.

Iba na ang panahon ngayon dahil na rin sa modern technology at social media, na ang bilis magbago ng gusto ng mga tao.

Aniya, mas maiksi ang life span ng mga artist ngayon, lalo na kung mayabang dahil marami ang puwedeng pu­malit dito.

Kaya payo niya sa young singers ay stay current, updated, grounded and humble to last a long, long time.

Napansin ni Martin na merong singers at stars ngayon na ni hindi marunong bumati ng, “Hello!”

Hindi niya mapa­nga­lanan kung sinu-sino ang mga ito dahil ang dami. At karamihan ay hindi niya kilala dahil santambak ang baguhang celebs lalo na sa ABS-CBN.

Meron ding mga bumebeso sa kanya at tinatawag siyang Tito Martin, pero hindi niya alam kung sino.

Ginu-Google niya pa ang mga ito dahil hindi siya pamilyar.

Isa sa wini-wish ng 55-anyos na Concert King ay ang magkaroon ulit ng sarili niyang talk show bilang enjoy siyang gawin ito.

***

May UTA FACTOR na ang indie films sa dami ng film festivals ngayon.

Katatapos lang ng Cinemalaya ay heto’t kadikit agad ang Pista ng Pelikulang Pilipino na parang nagsisiksikan sila sa buwan ng Agosto.

Buti na lang, next year pa ang every two years na Cine Filipino Film Festival, na nag-announce na ng 8 official films na napili nila.

Mula sa 150 entries ay naging 25 ito, tapos ay inisa-isa ng team nina Ms. Madonna Tarrayo (Festival Director) at Direk Joey Reyes (Competition Director) ang filmmakers.

Ininterbyu nila para malaman kung anong vision ng mga ito sa pelikulang gustong isali sa festival.

Mula roon ay napili ang walong full-length film entries na mapapanood sa March 2018.

Aware sina Direk Joey na sandamakmak na ang film festivals sa ba­yang ito.

Aniya, ang Cine Filipino ay may respeto, pagmamahal at mas may appeal sa Pinoy audience.

Bukod sa feature films ay may short films category rin ang nasabing pestibal na in-organize ng Unitel Productions ka-partner ang Cignal TV.

Mas may budget sila kumpara sa Cinemalaya dahil P2M ang seed money sa Cine Filipino samantalang sa Cinemalaya ay P500K lang ang binibigay na grant.

Naintriga kami sa Hitboy (na ididirek ni Bar Ocampo) na tungkol sa 13-anyos na bagets na naging gun-for-hire.

Ang pito pang magla­laban-laban sa CineFilipino next year ay Delia & Sammy (Therese Cayaba), Mata Tapang (Rod Marmol), Excuse Me Po (Ron Batallones), Poon (Roni Benaid), Mga Mister ni Rosario (Ronal Allan Habon), Kahit Man Lamang Kung Maaari (Donalyn Salazar) at The Eternity Between Se­conds (Alec Figuracion).