tonite-pak-allan-dionesWagas ang pakikipaglaplapan ni Martin del Rosario sa mga kapareha niyang lalaki sa sequel ng pelikulang “Die Beautiful” na “Born Beautiful”.

Sa red band trailer ng “Born Beautiful” ay walang kiyemeng nakipagngasaban ng labi si Martin kina Kiko Matos at Akihiro Blanco, na sa istorya ay pinag-aagawan ang beki karakter ni Martin na si Barbs.

Mala-“Glorious” nina Tony Labrusca at ­Angel Aquino ang isang laplapan nila ni Kiko, na parang kakainin na nito ang bibig ni Martin. Ewan kung meron din silang dilaan tulad ng TonGel.

Bukod sa mas maganda ay tila mas mapangahas si Martin kesa sa orig na gumanap na Barbs na si Christian Bables (na balitang ayaw nang tumanggap ng gay roles).

Girl na girl si Martin at bagay na ­bagay sa kanya ang role. Aliw ang cameo appearance ni Paolo Ballesteros, na bida sa unang movie pero nategi na ang karakter nito.

Sa January 23 ang showing ng “Born Beautiful” na dapat ay TV series, pero naisipan ng Cignal Entertainment na i-release as a movie.

In demand si Martin dahil may isa pa siyang pelikula, ang “My Stepmother’s Lover” na pareho nilang nakachorvahan ni Kiko Estrada si Sunshine Cruz.

May sizzling scene sa movie na tila hahalikan ni Martin si Kiko. PAK!
Ang bongga ni Martin, huh! Pasabog ang mga role sa big screen.

Tanong tuloy ng isang bitchy friend namin, “Ito na ba ang coming out ni Martin del Rosario?!”

Ayy, grabe siya! Bakit, bekibels ba si Martin??!!

Cholo burado na kay Ryza

Burado na sa Instagram feed ni Ryza Cenon ang mga picture nila ng ex-boyfriend niyang si Cholo Barretto.

In-unfollow na rin nila ang isa’t isa sa IG. Si Cholo ay hindi pa deleted ang pics nila ni Ryza, si Ryza ang naunang ‘naglinis’ ng kanyang feed.

Obviously ay na-hurt si Ryza sa breakup nila ni Cholo. Curious kami kung anong nangyari dahil saksi kami kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
More than two years din ang naging relasyon nila at madalas sabihin noon ng dalawa na ­natagpuan na nila ang ‘the one’.

Akala namin ay sa kasal na mauuwi ang relasyon ng dalawa dahil parang may mga ­pahaging sila na gano’n. At saka 31-anyos na si Ryza, so tila nag-iisip na rin itong mag-asawa.

Sa birthday ni Ryza nu’ng December 21 ay present ang family and friends niya, pati na ang mga kasamahan niya sa “Ang Probinsiyano” pero waley si Cholo.

Kahit nu’ng Pasko ay kanya-kanya na sila at wala nang post na magkasama, samantalang dati ay ­inseparable silang dalawa.

“Thank you God for everything in my life. The good and the bad. Some were blessings and some were lessons,” ang caption ni Ryza sa isang smiling pic niya sa IG three days ago.

Buti na lang ay busy sa trabaho si Ryza, na bukod sa “Ang Probinsyano” ay kasama rin sa cast ng “The Gene­ral’s Daughter” ni ­Angel Locsin na magsisimula na sa January 2019 kapalit ng “Nga­yon at Kailanman” ng ­JoshLia.