Martin sa AshMatt: ‘Wag TH na esmi, mister

Martin sa AshMatt: 'Wag TH na esmi, mister

Ang haba at punong-puno ng karanasan ang marriage advice ni Martin Nievera sa bagong kasal na sina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Sa exclusive interview ng ABS-CBN kay Martin, ipinayo ni Concert King na kailangang lagi nang magkasama ang mag-asawa sa mga desisyon at hindi pwedeng isa lang.

“You cannot make a decision without the other person’s consent or at least giving his or her few cents worth. And always be willing to forgive each other,” ani Martin.

“This whole getting married thing which is becoming everybody’s headline should actually be their own personal promise to each other. That’s what a marriage is. It’s not about the wedding. It’s not about the day you got married. It’s about the marriage,” pahayag pa ni Martin.

Gustong-gusto rin namin ang payo niya sa dalawa na huwag daw seryosohin masyado ang kani-kanilang papel bilang mister at misis.

“Don’t take it too seriously. Don’t try and be a wife, just be a wife. Don’t try and be a husband, just be a husband. These are not roles you play in a teleserye or in a movie. This is real life, this is real stuff,” sey pa niya.

“The best advice I can give Matteo is just don’t do what I did. You’ll be fine,” sey ng singer.

As we all know, Martin was once married to Pops Fernandez at open book naman na third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.

Pag-iwan kay Janine bagong tatak

Kaaliw ang tweet ni Janine Gutierrez na hindi na raw “anak ni Lotlot” ang tawag sa kanya ngayon kungdi “naiwan ng driver” na.

“After years of “Uy anak ni Lotlot” or whatever role, “Uy si Dragon Lady / si Elise” OR the classic “Uy si ano!”

“I’ve graduated to (yesterday in Starbucks) “Uy diba naiwan siya ng driver niya?” tweet ni Janine.

Ang daming natawa sa nasabing tweet at papuri nga ng iba, “beauty with a sense of humor” ang aktres.

Matatandaang last week ay nag-viral ang tweet ni Janine kung saan ay ikinukwento niya ang nakakatawang insidente na naiwan siya ng kanyang sariling driver dahil akala nito ay nakasakay na siya sa passenger seat ng kotse.

Marami naman ang naka-relate sa kwento at sinabing nangyari na rin daw ito sa kanila kabilang na si Bela Padilla.