KASAMA ni Jasmine Curtis Smith ang BF na si Jeff Ortega sa isang product launch sa Conrad Manila noong Huwebes nang gabi.

Ang ganda nilang tingnan!

That day, galing din si Jasmine sa isang photo shoot, hindi na lang namin nausisa ang isang kasama nila kung sumama rin ba roon ang kanyang boyfriend.

“Sumama” ang word na ginamit namin dahil mukhang hindi nagbabantay si Jeff kay Jasmine.
Mukhang enjoy lang ang binata na samahan ang kasintahan.

Si Jasmine, mukhang in love na in love kay Jeff dahil nagtu-twinkle-twinkle ang kanyang mga mata habang katabi ang boyfriend, huh!

In fairness, sweet lang sila at malayo sila sa ibang couples na mahilig mag-PDA (public display of affection)!

Habang nasa holding area ng product launch, nandoon din si Robi Domingo.

Katsikahan ni Robi si Jeff na matagal na palang kakilala ng TV host.

Sa Ateneo de Manila University pa lang ay magkakilala na ang dala­wa at ‘yon mismo ang narinig naming sinabi ni Jeff sa kanyang girlfriend.

***

Nagpunta si Martin Nievera sa isang multinational café/fast food restaurant sa isang mall sa BGC (Bonifacio Global City) noong Sabado ng gabi.

Pila sa nasabing café, pero nagtiyagang pumila ang singer/TV host at hindi siya nagpaka-feeling celebrity.

martin-nievera
MARTIN NIEVERA

Kasama ni Martin ang kanyang non-showbiz girlfriend (na hindi na lang namin pangangalanan), anak na si Rams, twin-sister na si Vicky at iba pang mga kaibigan.

In fairness, habang nakapila sila sa café na ‘yon, maraming lumalapit kay Martin para magpa-picture at pinagbibigyan sila ng singer/TV host.

Pagdating sa fans, mapagbigay si Martin at tsinitsika-tsika niya ang mga ito.

Madalas sabihin sa amin ni Martin na importante para sa kanya ang fans, kaya kahit pagod na siya, basta may mga lumalapit na nagpapa-picture at nakikipagtsikahan, pinagbibigyan niya.

Anyway, kagabi umalis si Martin pa-Los Angeles, California kung saan ay may Masquerade shows sila ni Lani Misalucha hanggang sa Hunyo 4.

***

Kahit isa si Mother Lily Monteverde sa “showbiz characters” ay hindi maikakailang maraming nai-starstruck kapag nakikita siya nang personal.

Sa baby shower party para sa parating na second baby ng mag-asawang Elvis at Alexa Gutierrez noong nakaraang linggo, isa ang Regal Entertainment producer sa mga imbitado ni Annabelle Rama.

Naka-Hawaiian dress si Mother Lily dahil luau ang theme ng party.

Nang naki-join si Mother Lily sa table ng ilang sosyalerang mga kaibigan ni Bisaya, natuwa ang mga ito sa producer.

Nagpalitrato pa sila kasama ni Mother Lily.

Panay ang tsika sa amin ni Mother Lily reminding us about Our Mighty Yaya movie ni Ai Ai de las Alas na magsu-showing na sa Miyerkules, kaya akala namin ay ipo-promote din niya sa mga sosyale­rang katsikahan niya ang kanyang “Mother’s Day” movie.

3 Responses

  1. TO THE WRITER OF THIS ARTICLE…martin nievera should fall in line as others do…obama, former president, waited the long cue when paying the books he bought…simple ethics…

      1. thank you for your comment…but, if you will try to look at my message once again, it is not intended for martin nievera…if you will notice, it is addressed to the writer who in my own personal point of view that showbiz personalities should be given some treatment…(END)