Kabilang si Martina Turner Diaz sa naggagandahang kandidata ng Binibing Pilipinas 2019. Sa kanyang tindig at dating ay pang-beauty queen na.

Ang higit na nakakaakit kay Martina ay ang kanyang morenang kulay. Maihahalintulad ang alindog niya sa Miss Universe 2016 natin na si Pia Wurtzbach.

Dahil ito sa kanyang kurbadong katawan at malaking balakang.

Bukod sa panalo niyang physical attributes, may puso rin ang Binibini No. 3 na ito mula pa sa Muntinlupa.

Nagmula rin siya sa pamil­ya ng mga lingkod-bayan at namulat sa kahirapan.
Aktibo rin siya sa mga outreach program at bukas-pusong tumutulong. Miyembro rin siya ng Gabay at Kalinga ng Muntinlupa.

Kaya para kay Martina, ang Binibing Pilipinas ang nagiging tulay niya sa kanyang mga adbokasiya. (Ronaline Avecilla)