Iraragasa nina ex-pros James Martinez at Tonino Gonzaga ang Nueva Ecija Rice Vanguards pagharap sa Batangas at upang palakasin ang kampanya sa nalalapit na playoffs ng 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations sa San Andres Sports Center sa Malate, Manila mamaya.

Makakatuos nina Martinez, Gonzaga at mga kakuwadrang nasa ika-13 puwesto ng Group A sa 6-16 win-loss record ang nasa pampito sa Group B na batangas (13-9)sa ala-4:15 nang hapon.

May game-high 21 points at 6 rebounds si Gonzaga habang naka-11 markers si Martinez nang tambangan ang ParaƱaque Patriots nitong Disyembre 18, 85-81.

Paghihimagsik naman ang asam ng Group A leader at defending champion Knights (20-3) kalaban sa nasa ika-14 na kahanay na Navotas (6-18) sa alas-6:45 nang gabi makalipas masilat nitong Nobyembre 29 ng Manila Stars, 75-70 .

Magsasalpukan din sa alas-8:45 nang gabi ang nasa ikalawa sa Group A na Manila (20-4) at katabla sa ika-15 kapangkat na Rizal Golden Coolers (4-18). (Aivan Denzel Episcope)