Inalat si Olympian Michael Martinez, nagkasya lang sa second place sa men’s individual free skating event nang sumemplang sa kalagitnaan ng kanyang routine sa 29th SEAG.
Umiskor si Martinez ng 171.63 points, malayo sa 205.43 ni Julian Zhi-Jie Yee ng Malaysia na nagtakbo ng gold. Napunta ang bronze kay Khai Xiang Chew ng Malaysia rin.
Nagdatingan din ang bronze medals sa fifth-to-the-last-day ng biennial meet kahapon.
Third placer sa podium si Elmer Abatayo sa men’s singles event ng lawn bowls, naka-bronze rin sina Emerson Villena at Lester Tayong sa men’s international 470 event ng sailing.
Nagdagdag ng bronze ang gymnastics squad nina Jean Caluscusin, AJ Melgar, Marian Nicolle Medina, Shieldannah Sabio at Katrina Loretizo sa women’s all-around group single apparatus, sa likod ng Malaysia (gold) at Singapore (silver).