Martsa ikinasa, karbon pinalagan

Kapit-bisig na nagmartsa patungong Malacañang ang grupong tagapagtaguyod ng klima at kalikasan, faith-based organizations, manggagawa, kabataan, kababaihan, at power consumers upang hilingin sa Pangulong Rodrigo Duterte at mga stakeholder ng enerhiya na pagkalooban ang mga Pilipino ngayong Pasko ng isang magandang regalo at ito ay ang huwag payagan at tanggihan ang pagtatayo pa ng ‘dirty, deadly at costly energy’ mula sa ‘coal’ o karbon.

Tinawag na “Caroling ng Mamamayan,” ang aksiyon ng multisectoral dahil na rin sa malapit nang matapos ang dalawang Linggong seryeng Christmas-themed na aktibidad na pinangungunahan ng Power for People Coalition (P4P), broad network ng clean energy advocates, dahil sa patuloy na pangingibabaw ng ‘energy mix’ sa bansa.

“These past weeks, Filipinos from all walks of life knocked on different corporate and go­vernment bodies to hold them accountable for enabling coal to heavily burden Filipinos with its costly price and the detrimental impacts it brings to the environment and its host communities,” ayon kay Gerry Arances, Convenor ng P4P.