Hindi umano nabanggit sa expanded bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kaso ng death row convict na si Mary Jane Veloso.
“As regards the case of Mary Jane Veloso, it was not mentioned during the expanded bilateral meeting,” ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Ayaw namang pangunahan ni Abella kung napag-usapan nang pribado ng dalawang lider ang naturang isyu.
“It will be pre-emptive to say as well if it was discussed during their private meeting,” dagdag nito.
Si Veloso ay nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia matapos mahulihan ng ilegal na droga.
Kahapon ay nagpulong sina Widodo at Duterte matapos dumating sa bansa ang una para sa kanyang state visit gayundin sa ASEAN Summit.