Gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makakaya nito para maisalba sa bitay ang kababayang si Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay nakapiit sa Indonesia at hinatulan ng parusahang kamatayan dahil sa drug trafficking.

Pero batay sa mga pagsisiyasat na ginawa, si V­eloso ay lumalabas na ginamit at nabiktima lamang ng illegal drugs syndicate.

Sinabi ni Pangulong Digong na maliban sa ASEAN trip ay tutuhugin na rin nito at aalamin ang kalagayan ng mga kababayang nakapiit sa Indonesia,

“Punta muna akong Brunei, Laos, tapos Indonesia pabalik. Meron rin tayong preso doon marami, drugs, pati si Veloso. Ewan ko kung anong…I’m praying that I could do something for her,” paghahayag ng Pangulong Duterte.

2 Responses

  1. Kinukwestiyon mo ba Mr Duterte ang naging findings na guilty si MJ sa kasong drug trafficking? Papayag ka ba na kwestiyonin din ng China ang ginagawang pagpatay sa mga “alleged drug lords”? Naisip mo ba Kung ilang pamilya ang masisira, Kung ilang Indonesian ang mamamatay kung matagumpay na naipuslit ni MJ ang drogang nahuli sa posesyon niya?