Mas bet si Arci Jennylyn inayawan ni JM

Balitang nawala si JM de Guzman sa pelikulang gagawin kasama sina Jennylyn Mercado at Richard Gutierrez sa Star Cinema. Pumapasok ang pangalan ni Jameson Blake na papalit sa role ni JM sa “Heart of Mine.”

Ang ibinigay na dahilan ay hectic daw ang schedule ni JM. Marami siyang proyektong ginagawa.

Iniintriga ngayon na mas pinili ba ng actor si Arci Muñoz kesa kay Jennylyn Mercado? Showing daw next month ang JM-Arci movie na pinamagatang “The Last Fool Show” na kinunan sa Boracay.

Dati na raw magkaibigan sina JM at Arci. Magkaklase sila sa theater class sa University of the Philippines.

Anyway, matuloy pa kaya ang movie nina Jen at Ri­chard ngayong wala na si JM?

Sey nga ng mga netizen, hindi swak si Jameson sa project. Mas ma­lakas sana kung kasama si JM dahil litaw rin ang chemistry nila ni ­Jennylyn.

Tinatanong din nila kung tatanggapin pa ba ni Jennylyn ang nasabing project? Dapat din daw busisiin ng aktres ang script kung babagay sa kanya.

Nasa estado na si Jen na wagi sa takilya ang huling ginawa niya kay John Lloyd Cruz. Ganoon din sa dating ginawa nila ni Derek Ramsay.

Dapat daw itong masundan ng kakaibang proyekto at hindi lang bread trip.