Simula Setyembre 23 ay makakaranas ang buong mundo ng autumnal equinox habang sa Pilipinas ay mangangahulugan ito nang mas mahabang gabi.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sabihin ay gabi at nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi.

“Equinox will occur on September 23 at 3:50 in the afternoon, day and night are of approximately equal duration all over the planet during the autumnal equinox. Hence, thereafter, Philippine nights will be longer as the sun moves below the celestial equator towards the southern hemisphere,” ayon sa PAGASA.

Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at summer naman sa southern hemisphere.

Ang equinox ay nagaganap tuwing buwan ng Setyembre kada taon kung saan ang araw ay dumadaan sa celestial equator.

Sinabi ng PAGASA na sa ganitong panahon ay mas magkakaroon ng pagkakataon ang publiko para sa stargazing kung saan mas kitang kita ang mga bituin sa gabi. (Tina Mendoza)