Pumirma na nga ng kontrata si Matteo Guidicelli kahapon sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon at umalis na sa pangangalaga ng Star Magic na 8 years din niyang naging management. Limang taon ang kontratang pinirmahan.
Ang VAA ay management din ng girlfriend na si Sarah Geronimo kaya biniro si Matteo ng entertainment press kahapon na sobra niya sigurong mahal ang gf kaya sinundan niya.
“Totoo naman,” walang katanggi-tanggi niyang sagot sabay tawa. Pero idinagdag naman niyang mahal din naman niya ang Star Magic family niya 8 long years din niyang nakasama lalo na ang handler niyang si Cris Navarro pati na ang mga road manager.
“Mahal na mahal ko sila pero totoo naman, mas mahal ko si Sarah,” ulit niya’t tumawa na naman.
Isa ba sa mga factor si Sarah sa kanyang paglipat?
“Well, I’m 28 years old already, and you know, every little detail there is a factor and of course. Sarah is part of it also.
“And I think, this is one of the best decisions I’ve decided to make, not just me but my family also, and with the help of Boss Vic (del Rosario), Ma’am Veronique (del Rosario) and everybody, Tita June (Rufino) of course, I’ve known tita June for a long time, we came to a conclusion that this is the best place for me,” pahayag ni Matteo.
Ayon sa aktor, bago pa matapos ang taon ay nagmi-meeting na rin sila ng dati niyang manager, pati na rin si Sarah.
“We felt like it’s time that we be in one boat together, one ship together, for our future together. And Boss Vic was very supportive and he laid down the plans and al, and we’re both convinced and we both decided together that this is the best place,” saad pa ni Matteo.
Pero nilinaw naman ng aktor na management lang ang nagbago at ABS-CBN pa rin ang kanyang network. Mag-uusap pa raw sila ulit ni Boss Vic para pag-usapan ang mga gagawin niya pero wish niya ay mauna ang recording ng album na isa sa kanilang napag-usapan.
Of course, gusto rin niyang makasama sa isang pelikula ang girlfriend though wala pa naman so far na konkretong plano.
Nagpapasalamat naman ang aktor sa Star Magic.
“I’m very, very thankful for everything. From the first day na tinawagan ako ni tita Mariole (Alberto of Star Magic) na binigay nila sa akin ‘yung Agua Bendita at lahat-lahat.
“You know, it wasn’t an easy decision but it was something very important for myself, as an individual,” he said.