Mas mainit ngayong Mayo – PAGASA

Mas mainit na temperatura ang mararanasan ngayong buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) .

Ayon kay Ana Liza Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section, ang temperatura sa Northern Luzon ay maaaring umabot sa 41 degrees Celsius.

“We could experience the hottest or maximum temperature, possibly of this year, this May. We could get as high as 40 or 41 degrees Celsius in Northern Luzon, usually in Cagayan, Tuguegarao or Isabela areas – the areas that experience this extreme temperature during May,” paliwanag ni Solis sa PAGASA’s recent climate outlook forum via Facebook.

“Climatologically speaking, we record the highest or maximum temperature during the month of May. This is the extreme and not the sustained maximum temperature,”giit pa nito.

Sa Metro Manila, ang maximum temperature ngayong buwan ay naglalaro mula 36 hanggang 38.2 degrees Celsius. Habang ang mga nasa mababang kalupaan sa Visayas at Mindanao ay makararanas din ng maximum temperature mula 38 at hanggang 38.8 degrees Celsius.

Nabatid sa PAGASA na nakapagtala ng pinakamainit na temperatura na umabot sa 42.2 degrees Celsius sa Tuguegarao City noong May 11, 1969.

Kasabay nito, inabisuhan ng PAGASA, ang mga astronomy lovers sa Pilipinas at iba pang bansa na sakop ng northern hemisphere na panoorin ang 20 o higit pang Eta Aquarid meteor shower kada oras na magaganap ng madaling araw ng May 6.

“The best time to observe the Eta Aquarid is a few hours before dawn. The Eta Aquarid meteor shower occurs each year as a result of the Earth’s passing close to the orbit of Halley’s comet twice a year. Meteor showers can be seen with the naked eye,” dagdag pa ng PAGASA. (Dolly B. Cabreza)