Mas maraming gamot, lalo na ang mga maintenace medicine, ang isasama ni former senator Mar Roxas sa kanyang mga priority legislation, kapag nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na makabalik sa Senado.

Ayon kay Roxas, bago mamatay sa cancer ang kanyang nakababatang kapatid, inalagaan niya ito ospital kaya personal niyang nalaman ang mataas na presyo ng mga gamot.

Sinabi ni Roxas na kung ang mga katulad ng kanyang pamilya na kahit paano’y may kakayahang bumili gamot ay nagulat sa mataas na presyo nito, mas lalo na marahil ang mga pangkaraniwang mamamayan.

Ito umano ang nagtulak kay Ro­xas na isulong at sikaping maging batas ang Universally Accessible and Cheaper Quality Medicines Law noong 2008 na nagbigay daan sa generic na gamot at mga murang maintenance medicine.

Sa pamamamagitan ng Cheaper Medicine Law ni Roxas, bumagsak ang presyo ng Norvasc para sa high blood mula Php 50.00 naging Php20.00, Diamicron para sa diabetes mula Php30.00 naging Php20-25.00 bukod pa ang pagkakaroon ng mga generic brand ng mga ito na mas mababa pa ang halaga.

Ang mga generic medicine ay dati lamang makikita sa India subalit naging bahagi na ito ng pharmaceutical industry sa bansa nang isabatas ni Roxas ang pagpapaba sa presyo ng mga gamot.