Mas maraming Pinoy workers kailangan sa Bahrain

Mas maraming ­migrant workers mula sa Pilipinas ang target na eempleyo sa Bahrain, ayon sa Assistant Secretary ng Labor of Bahrain.

Ito ang kinumpirma kay Labor Secretary Silvestre Bello ng kanyang counterpart sa Bahrain matapos ang pakikipagpulong nitong Biyernes, Abril 14.

“We had a very long meeting last night with the Assistant Secretary of Labor ng Bahrain. And he was telling us, practically telling us that he wants more migrant workers — Filipino migrant workers dito kaya lang nag-complain siya na ang sabi niya while we prefer Filipino migrant workers over the other nationalities like Indonesia, minention niya at saka India, ang kupad ng — ang kupad daw ng processing ng Philippine government,” ayon kay Bello.

Sinabi ni Bello na ayon sa kanyang counterpart official sa Bahrain ay inirereklamo ng mga ito ang napakabagal na pagpoproseso ng mga dokumento sa Pilipinas.

“…in the Philippine government of our migrant workers takes about six weeks and in the case of Indonesia and India, two weeks lang. So on that premise sinabi ko doon sa Assistant Secretary ng Labor, sinsabi ko, ‘let’s prepare an agreement and we will reduce the processing from six weeks to one week.’ O napalundag ‘yung Assistant Secretary and he promised to go to the Philippines on May 8 where they expect to sign a memorandum of agreement regarding the deployment of our overseas workers,” sabi pa ni Bello.

Dahil, aniya, sa reaksyon ng Bahrain official, malinaw na mas pinipili ng mga foreign employers ang mga Pinoy workers.