Positibo ang Malacañang na makikinabang din ang mahihirap na Filipino sa pag-angat ng ekonomiya sa mga susunod na panahon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kasunod ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nagpapakita na tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na ikinokonsidera nilang mahirap pa rin.

Nabatid sa survey na tumaas sa 47%, o 10.9 milyong pamilya, nitong­ ikatlong yugto ng taon ang mga mahihirap na Filipino mula sa 44% noong ikalawang yugto.

Gayunman, sa survey ay bumaba naman ng 3% ang mga pamilyang Fi­lipino na ‘mahirap ang pagkain’ kumpara noong Marso na nasa 35%.

“We hope that the gains of unprecedente­d economic gain natin will soon be translated to more economic gains for the poor,” dagdag pa nito.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong nakalipas na Nobyembre, umangat ang ekonomiya ng 6.9% mula sa dating 6.6 porsiyento.