Magandang buhay!
Harinawa’y mabasa ito ng kapitbahay kong feeling songbird kung umawit.
Tawagin na lang natin siyang Inday. Nakatira kami dito sa may Malanday, Valenzuela.
Halos dingding lang ang pagitan namin ni Inday kaya kung magpatugtog siya ng karaoke, ang boses niya’y parang batingaw na umaalingawngaw.
Wala sanang problema kung mala-huni ng ibon ang boses niya. Ang kaso ay parang pinipitpit na lata ang birit niya at sa sobrang taas ng mga pinipili niyang kanta (gaya ng mga Aegis at Celine Dion) ay parang pumupugak-pugak at ‘di ma-start na tricycle ang tono niya. Ang masakit pa sa tenga, palibhasa’y bisaya kaya may katigasan ang dila niya. Ginagawa niyang letrang ‘I’ ang bigkas sa letter ‘E.’
My goodness! Sobrang sakit sa bangs! Kung bomba lang siguro ang buga ng bibig niya’y marami nang nasabugan at namatay.
Oh Inday, ayoko mang basagin ang ‘trip’ mo sa pagkanta, kung mababasa mo ito sana’y pakihinaan naman ang boses mo’t volume ng iyong sing-along o kaya naman ay matauhan ka na at tigilan ang pag-aambisyong maging ‘song diva’ para hindi nakakahiya sa iyong mga kapitbahay.
ASM ng Malanday
Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakakaasar o kapana-panabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.