Masangkay seeded sa World Powerlifting

lift-Joan-Masangkay

Apat na katao lang pero lahat nama’y kaya umanong makamedalya ang bets ng bansa sa 16th Sub-Junior at 34th Junior World Powerlifting Championships sa Congress and Recreation Center sa Szczyrk City, Poland sa Agosto 29-Set­yembre 3.

Tatrangkahan ni Joan Masangkay ang Philippine squad, kasama sina Rowella Abrea sa women’s 47-kg. sub-jr. division, Jasmin Martin (47kg jr), at Regie Ramirez (59kg jr).

May 207 male at 123 female lifters mula sa 30 bansa kabilang ang host nation ang kumpirmadong bubuhat sa event. Ilan dito ang mga pambato ng US, Russia, Bri­tain, Germany, Japan, Belarus, Ukraine, Hungary, Norway, Lithuania, Equador, Romania at iba pa.

Top two seeds sina Janet Becerril ng US (squat-125kg. at total-305kg.) at Masangkay (bench press-60kg at deadlift-120kg) sa sub-jr. women’s.

Ayon kahapon kay coach Betina Bordeos, malaki lahat ang tsansa ng apat na athletes na makapag-uwi ng medalya.

Kagagaling lang ni Masangkay sa sub-junior women’s 43kg. division deadlift gold medal win at world record performance sa IPF RAW/Classic World Powerlif­ting Championships noong Hunyo sa Houston, Texas.

Naka-apat na gold naman si Abrea sa Asian Powerlifting Champion­ships nu’ng Hunyo rin sa Udaipur, India sa girls’ 47-kg. sub junior squat, bench press, dead lift and total; at may 1 gold, 2 silver at 1 bronze ang former Asian junior champion na si Ramirez sa 59kg.