Masaya ang pamilya ‘pag magkakasama sa Pasko

Dear Abante Tonite:

Pitong araw na lang at Pasko na. Nakakatuwa at ­kabi-kabila na ang mga Christmas party na nagaganap saang sulok man ng bansa.

Excited na ang lahat dahil ito’yung panahon na ­magkakasama-sama ang bawat miyembro ng pamilya. Nariyan ang mga nakatakdang reunion ng magkakamag-anak at iyong pag-uwi ng mga nagtatrabaho abroad o mga OFW.

Pero sa kabila ng kasiyahang ito nawa’y maranasan din ang diwa ng Pasko ng kabataang hanggang ngayon ay nangungulila sa kanilang ama, ina o kaya’y mga kapatid na nawalay sa kanila ng matagal na panahon dahil ito’y naging mga miyembro ng kilusang NPA o ‘di naman kaya’y namatay na dahil sa maling pakikibaka.

Maging tuloy-tuloy sana ang pagsuko ng mga ­miyembro ng NPA na matagal ng nalinlang at lumalaban para kahit papaano naman ay maranasan ng kanilang pamilya ang maging buo at masaya sa araw ng Pasko.

Romeo Alcoseba
Mexico, Pampanga