enzo-pineda
Enzo Pineda

LOST in space si Prince Stefan. Lost in emotion si Paolo Paraiso.

Ngayon, si Stephen (Enzo Pineda) ang bagong bro ng blossoming bekibels na si Ali (JC Santos) sa Till I Met You.

Ako lang yata ang nabigla na Pineda is in Kapa­milya territory na. Wala kasing alingas­ngas o chika na sumakabilang bakod na ito.

If I were to judge his appearance sa TIMY, ay! Star na star ang arrive ni Enzo.

Captured ng cameras­ kung gaano kaguwapo si Pineda at ‘yung slow motion sequence niya after the car drifting stunt, JUICE KO!

Kumabog ang dibdib ko.

Ang galing-galing din ni Santos sa eksena. Parang smitten siya­ at may arrive sa kanya ang bagong hombreng si ­Stephen, huh?!

Kung sakaling Enzo becomes a bigger star sa Dos at maging ka-level niya ang estrella stature nina Paulo Avelino at Jake Cuenca, well… alam na alam na nating muli kung sino ang marunong magpasikat sa kanilang mga artista.

Ang tanong, ma-turn off na naman kaya ang mga supposedly JaDine fans sa pink angle na ito?

Hindi sa pink angle dapat isisi ang lackluster “DAW” na primetime performance ng James Reid at Nadine Lustre led ­drama.

May pink audiences­ talaga na more than willing to support a gay-themed or centric drama.

May patotoo na tayo rito. Ang finest examples ay ang My Husband’s Lover at Destiny Rose.

They were able to pull off the pink elements and characters.

James Reid and Nadine Lustre
James Reid and Nadine Lustre

Wala rin akong pananalig na ang fandoms of JaDine eh 100% heterosexuals.

Unfair sa members ng Rosas Pandan community na ang ‘kabaklaaan’ plot ang dahilan why the dramaserye is not as upswing as expected.

Ang biggest problem ng TIMY, hindi nila ‘pinanindigan’ ang love triangle nina Basti, Iris at Ali.

Matapos paaminin ang karakter ni JC na he is gay and he is also in love with Basti, they took the SAFER route.

Para hindi masira ang friendship, isinakripisyo ni Ali ang damdamin niya for Basti.

Sina Iris at Basti, kung ano ang mga dramarama nila dati sa On The Wings Of Love, parang slightly nauulit sa TIMY.

Sa totoo lang, ang mas MATAPANG at SOBRANG MAPANGAHAS na love sequences like ang sex at the back of the car at sisiran sa bath tub ang tila mas posing problems sa viewership support.

Marami rin ang nabulabog sa kaswal na linyang SEX LANG ‘YAN.

Ang parents ng teens at tweens na tila mas marami ang numbers eh WORRIED para sa WELFARE of their mga anak.

Kaya hayan, ipinatawag ng MTRCB ang mga direktor, writer at executive producer ng programa kaugnay sa October 25-28 episodes ng TIMY.

Ang nasabing maiinit na eksena ay pagmimitingan sa Nobyembre 10 nang 2:00 PM sa MTRCB office.