Masipag na aktres, super-talak sa maingay na kapitbahay

WALANG pahinga! Panay-panay ang raket ng aktres dito sa Pilipinas at sa abroad.
Katatapos lang ng teleserye niya, kaya show kung show si ate kung saan-saan.

Makikita talagang nagpupursige siya.
Aba! Nakailang karu na siya! Bonggang-bongga ang balaysung (housing project) niya sa isang lugar ng mga rich, famous & powereful.

One night, isang gabi… nagkaroon ng party-party sa katabing bahay niya.

Siempre, maingay at mara­ming car na naka-park sa paligid.­ Nahirapan ang driver ni aktres na maipasok ang car sa garahe.

Pagoda si ate kaya majinit ang ulonggapo niya.
Kaya shout for joy siya!

Pinaringgan ng masasakit ang neighborhood association.
My pasaring pa na dapat sa iskwater tumira ang majijingay na kapitbhay dahil doon sila nababagay.

May parunggit din na irereklamo sa housing authority ang nakatira sa katabing bahay para mapalayas.

Talak kete talak si ate hanggang humupa ang ingay.
Nakatulog si aktres na nang mahimbing kahit nakairap!

Dahil sarap-sarapan ang tulog ni ate, good morning Philippines ang mood niya pagkagising.
Inspired siyang rumaket uli. Good vibes! Positive!

Go! Go! Go!

Eto na… paalis na si ate… Shocking Asia ang beauty niya dahil ‘yung van niya, basag ang da­lawang side miror.

Boom!

Sumabog ulit si ate! Shout for joy na naman siya with dance moves pa!

Talakitok pa more with matching twerk it like Miley and trumpets challenge!

Ang neighbors, dedma!