Pinasok ng maskaradong kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril, ang isang bahay sa Quezon City at pinagbabaril hanggang ang isang mister.

(Photo Caption by Paez Lopez)
Dead-on-the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Khaddaffy Salik y Kutongan, alyas Daff, 41, married, tubong Cotabato City at naninirahan sa No. 50 -Aurora St., Nawasa Side, Area-5, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Anthony Tejerero ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen dakong alas – 11:45 ng gabi nitong Miyerkules sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyan nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang misis na si Helen Salik y Encarnacion nang pasukin sila ng tatlong armadong lalaki na pawang nakasuot ng bull cap at facemask at sakay ng isang kotse.
Hiniwalay umano ang asawa ng biktima at isang kasama sa bahay bago pinagbabaril si Salik sa isang kuwarto.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa crime scene ang walong piraso ng basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril, dalawang tingga at isang metal jacket.