Dalawang dati umanong balon sa isang liblib na lugar sa Barangay Cogon, Ozamiz City na sinasabing mass grave umano ng mga Parojinog ang pinuntahan kahapon ng tanghali ng mga alagad ng batas at hinukay.

Sinasabing sa dala­wang balon inililibing ang mga taong kalaban umano ng mga Parojinog at napapatay sa labanan.

Sa paghuhukay ng mga pulis gamit ang ma­laking backhoe ay nakuha ang ilang sako at basura sa mga balon at laman ng mga ito ang mga piraso ng buto.

Sinusuri pa ng pulisya kung mga buto ng tao o hayop ang natagpuan dahil nagkapira-piraso na ang mga ito dahil marahil sa tagal ng pagkakalibing sa 60 na talampa­kang lalim ng mga balon, hindi kalayuan sa compound ng bahay ng pa­milya Parojinog.

Natuklasan ang “mass grave” malapit sa sinasabing compound ng mga Parojinog, malapit sa bahay ng pinagha­hanap pang si Ricardo Ardot Parojinog, matapos ibunyag ng ilang opis­yal ng barangay sa lugar ang tungkol sa nasabing krimen, gayundin ang pagrereklamo ng ilang residente sa lugar na nakaaamoy sila ng mabaho.

Napag-alaman na isang nagngangalang Marl­on na dating kagawad ng Barangay Cogon ang kamag-anak ng mga Parojinog kaya ma­laki umano ang posibilidad na may kinalaman umano ito sa paglilibing sa mga bangkay na natuklasang mga mga buto na sa nagugutay nang mga sako.

Sa ngayon ay dadalhin pa sa PNP (Philippine National Police) crime laboratory ang mga butong nakuha upang suriin habang pinaghahanap na si Marlon na sinasabing miyembro umano ng notor­yus na ‘Martilyo Gang’.

Nakatakda ring sili­pin ng mga alagad ng batas ang posibleng iba pang lugar na pinagta­tapunan pa rin umano ng mga bangkay ng mga kalaban ng mga Parojinog.

2 Responses

  1. hiwain muna ng blade ang mga katawan ng mga letseng parojinog at saka tadtarin na parang giniling na baboy at saka iluto at ipakain sa mga aso at pusa!!!!