Sa dami ng anomalya at kontrobersiya na ipinipukol sa Energy Regulatory Commission (ERC), muling nanawagan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mga commissioners nito na magbitiw na sa posisyon.

Isa sa pinakamalaking kontrobersiya na tinukoy ni Zarate ay ang midnight deal sa power supply agreements (PSA) ng Meralco-affiliated power generation companies na ang makikinabang din ay ang Meralco.

“The ERC issued the anomalous extension of the deadline requiring competitive bidding in the power supply agreements (PSA) of distribution utilities (DUs). The extended deadline, as proposed by Commissioner Josefina Magpale-Asirit, allowed Meralco to enter into ‘sweetheart PSA deals’ with its seven sister and affiliated companies,” pagbubunyag ni Zarate.

Ani Zarate sa ginawa ng ERC ay hinayaan ­umano nitong maging monopolyo at matali sa Meralco ang mga konsyumers sa loob ng susunud na 20 hanggang 25 taon nang wala nang magaganap na bidding ­kaya naman wala na rin magiging silbi ang competitive ­selection process (CSP).

Maliban sa mga commissioner ay mismong si ERC Chair Jose Vicente Salazar umano ang nahaharap sa kaso ng korapsyon.

Giit ni Zarate, kung nabigo na ang mga ERC ­officials na protektahan ang interes ng mga ­consumer na s’yang kanilang mandato ay wala nang dahilan ­para manatili pa ang mga ito sa puwesto.

“The ERC should be manned by people with ­integrity and competence to protect consumers,” pagtatapos pa nito.