Mass testing kaysa terror bill – Morado

“Don’t get distracted,” ito ang ipinunto ni Premier Volleyball League star Julia Melissa ‘Jia’ Morado matapos maglipana sa Facebook ang fake o dummy accounts.

Ayon kahapon sa Creamline Cool Smashers setter, dapat na maging listo ang bawat isa sa ngayong panahon lalo pa’t may kinakaharap na ilang isyung panlipunan.

“I see people spending more time today reporting & sharing fake accounts than speaking up about the bigger issues & holding the government accountable,” tweet ng 25-year-old, 5-foot-7 Parañaque native at dating national player.

Giniit pa ng dalagang beteranang balibolista, “Focus on the bigger picture. We need the government to do better. #JunkTerrorBillNow #MassTestingNowPH.”

Hindi pa makapagbukas ang 4th PVL 2020 dahil sa pandemic Covid-19. (Janiel Abby Toralba)