Masungit na lady solon nilalayasan ng mga empleyado

Hulaan Blues

Nagtatalunan na raw sa ibang bakod ang mga empleyado ng isang lady solon dahil sa sobrang katarayan nito.

Sa impormasyon na ibinigay ni Mang ­Teban, nilayasan ng mga empleyado ang mambabatas na ito dahil hindi na nila makayanan ang masamang ugali nito.

Araw-araw daw kasi’y binubuskahan sila nito kahit na ginagampanan naman nila ang kanilang mga obligasyon.

Lalong nag-uusok ang bunganga ng mambabatas na ito kapag nasasabihan siya tungkol sa mga lumabas na artikulo sa diyaryo tungkol sa kanilang kompanya.

May ilang staff nito ang bumitaw na at marami pang nakatakdang iwan ang kanilang mataray na amo.

Himutok ng mga kawani, sumasakit na raw ang kanilang tenga sa araw-araw na masasakit na salita ng kanilang amo kaya’t nagkaisa silang iwanan na lang ang kanilang lady boss. Sino siya?

Clue: Ang lady solon na ito ay mula sa kilalang angkan at may letrang N sa kanyang pangalan as in Nanay.