Sino sa inyo ang hindi nakaranas ng kasungitan ng ilang staff ng mga go­vernment hospital? Kung wala kayong karanasan, masuwerte kayo pero sigu­radong-sigurado ako na halos lahat tayo ay may karanasang hindi maganda sa mga nurse at mga doctor.

Kaya pabor ako roon sa mungkahi ng isang mam­babatas sa Kamara na maglagay ng kara­tula sa mga public hospital na nagpapaalala sa mga nurse at mga doctor na “bawal ang masungit”.

Totoong-totoo na maraming masusungit na hospital staff sa mga pampublikong pagamutan lalo na kapag lagpas na ang kanilang duty hour at maraming pasyenteng inaasikaso.

May nakausap akong isang nurse na nagtatrabaho sa isang public hospital at tinanong ko siya kung bakit nga ba masusungit ang karamihan sa kanila. Ang sagot ay dahil sa pagod at iilan lang silang kumikilos.

Pero hindi ‘yun katuwiran dahil kaya sila nagtatrabaho sa mga public hospital ay para mag-asikaso ng pasyente kaya wala silang karapatan na magsu­ngit dahil dagdag stress sa mga pasyente kaya sila ay sinungitan.

May pagkakataon pa ng pinapagalitan ng mga doctor ang mga pasyente na hindi sana dapat dahil sila ay nandun para manggamot at hindi para manermon dahil karaniwan ang mga pasyente ay napapahiya kapag sila ay sinisigawan ng mga doctor.

Tulad ng mga doctor na mataas ang pinag-aralan, may damdamin din ang mga mahihirap na pasyen­te kaya hindi makataru­ngan na bago sila gamutin ay sesermunan muna sila sa harap ng maraming tao. Masakit ‘yun ha.

Ang karaniwang sinasabi raw ng mga doctor sa mga pasyente na humihingi ng agarang atensyon eh dapat hindi sa public hospital sila nagpapagamot kung gusto nila ng espesyal na atensyon kundi sa mga private hospital.

Tingin ninyo ba magtitiyaga ang mga iyan na pumi­la at halos ma­nikluhod sa atensyon sa mga doctor at nurse sa mga public hospital kung sila ay may pera? Kaya itinayo ang mga government hospital ay para sa mga mahihirap na pasyen­te kaya anong asahan mo sa kanila, may pera?

Sabi pa ni Congressman Arnulfo Teves Jr., napapansin niya na sa public hospital, mam at sir ang tawag sa mga nurse samantalang sa private hospital, mam at sir ang tawag ng mga nurse sa mga pasyente.

Totoong totoo ‘yan, nangyayari talaga ‘yan samantala sila dapat ang public servant kaya ang kanilang amo sana ay ‘yung mga pasyente nila pero baliktad ang nangyayari.

Pero mayroon naman hindi magandang serbis­yo sa mga private hospital lalo na ‘yung mga nagki-cli­nic na dapat din sanang bigyan ng atensyon ng Phi­lippin­e Medical Association at Professional Regulatory Commission (PRC).

‘Yung bang kapag nagpa-appoint ka ganitong oras ay dapat dun ang oras na masusunod pero karaniwang hindi ‘yan nangyayari dahil kunwari alas-nuwebe ng umaga ka may appointment ka pero alas-11:00 o alas-12:00 darating si doctor dahil galing para raw sa kabilang hospital.

Dapat bigyan ito ng pansin lalo na kung mara­ming ginagawa ang pasyente nila na pinaghihintay ng matagal. Kung alas-nuwebe ang appointment, dapat alas-nuwebe nandun na sa kanyang klinika ang doctor. Tama ba ako? (dpa_btaguinod@yahoo.com)

2 Responses

  1. sino ba namng hindi mag-iinit ang ulo. ang dami mong pasyente, kakarampot lang naman ang sweldo. pero sa totoo lang mas magagaling ang mga nurse at doc sa public hospital kasi pinanday sila ng karanasan sa dami ng pasyente kahit kulang sa facilities ang govt. sana isunod din sila ni digong sa bibigyan ng salary increase para maging happy sila sa pagseserbisyo at wag ng mag-isip n mag fly away sa bayang magiliw