Gusto mo bang maambunan ng suwerte sa buong taon ng 2019, puwes gamiting gabay ang mga kulay ng inyong zodiac sign.

Ang pinakasuwerteng kulay para sa year of the earth pig sa 2019 ay ang kulay red, orange at pink na sumiĀ­simbolo sa apoy (fire) at kulay puti na sumisimbolo sa metal.

Ang mga naturang kulay ay puwedeng maging suwerte sa mga zodiac sign ng year of the pig kung ito ay gagamitin na kulay sa damit at bilang kulay ng mga kuwarto o bahagi ng inyong bahay.

Ayon sa Feng shui, ang pagsusuot ng naturang kulay ay makakaimpluwensiya sa inyong suwerte.

Gayunman may mga nakalaang masuwerteng kulay para sa taong 2019 sa bawat zodiac sign.

Ito ay ang mga sumusunod:

Rat – Sage Green, fuchsia pink, Naples yellow
Ox – Azure blue, fuchsia pink
Tiger – Malachite green, slate gray
Rabbit – Indigo, fuchsia pink, Indian yellow
Dragon – Cardinal red, smoke gray
Snake – Leek green, fresh butter yellow
Horse – Burnt sienna, silver white
Goat – Smoke gray, cerulean blue, Mayan blue
Monkey – Orchid pink, Indian yellow
Rooster – Parma pink, cerulean blue, spring green.
Dog – Guide blue, Indian yellow
Pig – Vermilion red, venetian yellow.

(Juliet de Loza-Cudia)