Mataas na temperatura naitala sa Isabela-PAGASA

Nakapagtala ng pinakamataas na temperatura ngayong taon sa Echague,Isabela na umabot sa 41.2 degree celsius.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) halos sa buong bansa nakakapagtala ng mataas na temperatura, sa Tuguegarao City ay umabot sa (39.7 degrees Celsius); San Jose, Occidental Mindoro (38.5 degrees Celsius); Camiling, Tarlac (38.3 degrees Celsius) at Hacienda Luisita sa Tarlac (37.2 degrees Celsius).

Ang pinakamataas na heat index noong Lunes ay 56 degree na naitala naman sa San Jose, Occidental Mindoro, mas mababa ito ng 2 degree sa naitala sa nasabi din lugar noong Abril na nasa 58 degree celsius.

Ayon sa PAGASA dapat umiwas sa sun exposure dahil tumataas ng 8 degree celsius ang heat index sa katawan na maaring magdulot ng heat exhaustion.

Sa kasaysayan ng bansa ang pinakamataas na temperatura ay 42.2 degree celsius na naitala noong Mayo 11, 1969 samantala sa Metro Manila ang pinakamataas ay noong may 14,1987 na nasa 38.5 degree. (Tina Mendoza)