‘Matakot kayo sa COVID’-Romnick

Nagbabala ang beteranong aktor na si Romnick Sarmenta dahil sa biglaang pagbuhos ng tao sa labas ng kanilang mga bahay .Ito’y dahil sa pagluluwag ng quarantine protocol sa bansa.

Saad ng aktor sa Twitter account ng National Task Force Against COVID-19, hindi nito matatanggap na mamatay ng walang laban kontra sa sakit na dulot ng virus.

“Naniniwala ako sa tapang ng Pilipino. Pero naiisip ko parang maraming hindi kinakabahan, naggagala, naglalabas,” ayon kay Sarmenta.

“At sa tingin ko isang malaking kalokohan o katangahan yung mamamatay tayong walang kalaban-laban, kasi sa tingin ko yung COVID-19, goodbye yan na walang goodbye,” aniya pa.

Sa ngayon ay may 12,513 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 824 na ang nasawi dito.

“Marami akong hindi kinakatakutan, pero takot ako sa COVID, sana matakot din kayo,” giit pa ni Romnick. (RP)